top of page

REFUND & EXCHANGE POLICY

FOR PURCHASED NEW E-BIKES

RETURNING UNITS
(NO DEFECT / CHANGE OR UPGRADE REQUEST)


Ang pag-return o pagpapalit ng unit na walang factory defect ay papayagan LAMANG sa mga sumusunod na kundisyon:

• Pinapayagan LAMANG sa loob ng dalawampu’t apat (24) na oras mula sa oras ng pag-release ng unit, base sa oras na naka-indicate sa Sales Invoice / Delivery Receipt
• Ang unit ay dapat nasa parehong kondisyon noong ito ay inilabas ng kumpanya
• Kailangang dalhin mismo ang unit sa branch kung saan ito binili
• Sagutin ng customer ang anumang gastos sa pagkukumpuni kung may: gasgas

sira o nawawalang parts
• Ang unit na may maraming gasgas o sirang parts ay maaaring HINDI PAYAGAN na ibalik, depende sa final decision ng kumpanya
• ❌ Hindi sakop ng return/exchange ang:
Change of color
Change of mind

• Ang pagpapalit ng unit ay PAPAYAGAN LAMANG kung UPGRADE (mas mataas ang presyo ng bagong unit)
• Babayaran ng customer ang price difference depende sa napiling upgrade
• May Re-Stocking Fee na 5% ng original purchase price para sa mga unit na ia-upgrade

🚫
MILEAGE LIMIT (VERY IMPORTANT)

• Ang unit na may ODOMETER / MILEAGE na HIGIT SA SAMPUNG (10) KILOMETERS ay HINDI NA ELIGIBLE para sa refund o exchange, kahit walang factory defect, at kahit for upgrade request
• Ang mileage ay binibilang mula sa oras ng pag-release ng unit, kabilang ang: test drive ng customer

personal use pagkatapos ng release
• Ang mileage check ay isasagawa ng branch technician, at ang desisyon ay FINAL

💰
REFUND PROCESSING

• Ang approved refund ay maibabalik sa loob ng pito (7) hanggang sampung (10) araw mula sa araw na ma-approve ang return

🔧
RETURNING UNITS
WITH DEFECT / PROBLEM ON MAJOR PARTS


• Kailangang maibalik ang unit sa loob ng tatlong (3) araw o pitumpu’t dalawang (72) oras mula sa oras ng pagbili / pag-release
• Original receipt ay required
• Kailangang dalhin ang unit sa branch kung saan ito binili
• Ang mga sira na dulot ng:
kapabayaan
aksidente
bangga
gasgas o basag
ay HINDI sakop at SAGOT NG CUSTOMER

⚙️
MAJOR PARTS COVERED
FOR WHOLE UNIT REPLACEMENT


Ang BUONG UNIT replacement ay papayagan LAMANG kung mapatunayan na may FACTORY DEFECT sa mga sumusunod na MAJOR PARTS, at HINDI NA KAYANG AYUSIN O PALITAN:

• Motor
– Hindi umiikot, biglang namamatay, o may abnormal tunog kahit tama ang wiring at controller
– Hindi dulot ng overload, bangga, o maling paggamit

• Underchassis / Frame/Suspension /swing arm at iba pa 
– May factory welding defect o structural damage
– LAMANG kung ito ay HINDI NA KAYANG I-REPAIR o PALITAN, at makakaapekto na sa kaligtasan at structural integrity ng unit
– Kumpirmado ng branch technician / head mechanic bilang factory defect

• T-Post / Steering Post Alignment
– May factory misalignment na:
- hindi naitatama sa normal alignment procedure
- nagdudulot ng unsafe steering o hindi tuwid ang takbo kahit bagong release
– Kumpirmado ng technical inspection na factory defect at hindi user-caused

🛠️
MINOR PARTS
REPAIR OR PARTS REPLACEMENT ONLY (NO UNIT REPLACEMENT)


Ang mga sumusunod ay aayusin o papalitan lamang ang parts, hindi ang buong unit:

• Battery
• Roof & Chassis (kung repairable / replaceable)
• Maluwag na turnilyo
• Windshield
• Wiper
• Manibela
• Brake system
• Brake shoe / Disc brake
• Shock
• Exterior
• Interior
• Mags
• Accessories
• Basket
• Side mirror
• Flaring
• Trapal
• Upuan
• Lights
• Buttons & switches
• Minor electrical parts tulad ng:

Busina

Panel board

Throttle / Silinyador


❗ IMPORTANT REMINDERS

• Kapag lumampas na sa dalawampu’t apat (24) na oras para sa NO DEFECT / UPGRADE REQUEST, HINDI NA PO MAARING MAG-REFUND O MAG-EXCHANGE
• Para sa factory defect sa major parts, ang return ay LAMANG sa loob ng 3 DAYS (72 HOURS)
• Lahat ng claims ay dadaan sa technical inspection, at ang desisyon ng kumpanya ay FINAL
• Ang refund o exchange ay ipoproseso sa lalong madaling panahon, at karaniwan ay sa loob ng tatlo (3) hanggang walong (😎 araw mula sa araw na matanggap ng kumpanya ang ibinalik na unit

bottom of page